Close

RoS, pinatumba ang SMB sa score na 123-119

Sponsor ads


Ipinamalas ng Rain or Shine Elasto Painters ang tikas nito sa pagtutuos nila ng San Miguel Beermen sa larong nagtapos sa score na 123-119.

Tumuloy pa sa overtime game ang 4th quarter na nagtapos sa 112-112 matapos ipilit ni Alex Cabagnot ang lay-up nito sa huling 11.4 seconds.

Dahil naman sa 7 points ni Raymond Almazan sa overtime game ay tuluyan nang napatumba ng Elasto Painters ang Beermen sa laban nila para sa 2018 PBA Commissioner's cup.

Nagtala ng double-double record si Reggie Johnson sa kanyang 27 points at 19 rebounds habang si Almazan naman ay nag-ambag ng 25 points at 14 boards.

Sa kabilang panig ay nanguna sa SMB si Arwind Santos na nagtala ng 29 points bago siya ma-foul out sa last 45 secound ng laro.

Nagtapos naman si June Mar Fajardo na may double-double record sa naitala niyang 26 points at 11 rebounds.

Samantala, umakyat naman ang record ng RoS sa 3-1 habang ang SMB naman ay wala pa rin panalo matapos ang kanilang 2 laro.