Close

Rights advocates sa SC: Harangin ang withdrawal ng PH sa ICC

Sponsor ads


Hiniling ng rights advocates sa Supreme Court na pigilan ang pagwithdraw ng Pilipinas mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa grupo, mas lalalong dadami ang kaso ng extrajudicial killings sa bansa sa oras na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas na magiging epektibo sa March 17.

Sa ilalim ng Rome Statute, maaring bawiin ng State Party gaya ng Pilipinas na kumalas sa pamamagitan ng written notification.

Ang withdrawal ay magiging epektibo, isang taon matapos matanggap ang notification.

Sa kaso ng Pilipinas, ang isang taon ay magiging epektibo na sa March 17, 2019.

Matatandaan na noong March 2018 nang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa kanilang ratipikasyon ng Rome Statute, na nangangahulugang pagbawi rin ng bansa sa membership mula sa ICC.