Close

Rico Blanco, binatikos ang headline ng artikulo tungkol sa kanya

Sponsor ads


Hindi nagustuhan ng singer-songwriter na si Rico Blanco ang tinukoy nito bilang "stupid headline" ng artikulo tungkol sa kanya ng isang entertainment website.

Sa Twitter ng singer ay shinare niya ang artikulo na may headline na: "Rico Blanco, ayaw ma-label bilang Keanu Reeves ng Pilipinas."

Sinabi ni Rico sa kanyang caption: "stupid headline will get me into trouble guys..."

Ipinaliwanag ni Rico na ang ibig niya lamang sabihin na dapat ay tigilan na natin ang paggawa ng Filipino local versions ng global icons.

Iniscreen-shot naman ni Blanco ang bahagi ng artikulo na nagpapaliwanag sa kanyang sinabi na para anya sa mga tamad na magbukas sa link.

Base sa artikulo ay inihayag ni Rico sa isang panayam na tinuturing niya bilang compliment ang pagkilala sa kanya ng ibang Pinoy fans bilang John Wick at Keanu Reeves ng Pilipinas.

Gayunman, iginiit ni Rico na meron siyang silent advocacy na dapat ay matigil na ang paggawa ng Pinoy versions ng mga Pilipino ng kahit sinong personalidad.