Close

Rice watch group, dinaan sa hugot lines ang kilos protesta sa DA

Sponsor ads


Imbis na mga ordinaryong placards, mga hugis pusong banners ang bitbit ng iba't-ibang grupo na sumugod sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City ngayong araw para iprotesta ang umano'y kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa.

Kabilang sa mga sumugod na grupo ay ang rice watch group na Bantay Bigas at National Federation of Peasant Women kasama ang mga miyembro ng Anakpawis party-list

Pero dahil Valentine's day ngayon, idinaan ng mga grupo sa hugot lines ang kanilang programa sa harapan ng tanggapan.

Nakasulat sa kanilang mga heart-shaped placards ang mga hugot lines gaya ng “PAASA – minsan lovelife, madalas gobyerno”; “MAHAL – minsan jowa, ngayon bigas”; at “Ang lahat ay nagmamahalan, kaya kami walang laman ang tiyan”;

Apela ng mga grupo, kumilos ang DA at aksyunan ang pinalulutang na rice shortage umano sa bansa para lamang makalusot ang importation ng bigas.