Close

Rice-corn mix production, ilalatag na ng gobyerno sa merkado

Sponsor ads


Inilalatag na ng gobyerno ang paghahalo ng mais at palay sa produksyon na ibebenta sa mga merkado simula ngayong taon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, bahagi ito ng programa para hikayatin ang mamamayan na huwag masyadong umasa sa bigas bilang staple food at para mas maging healthy ang lifestyle.

Mababawasan rin aniya ang pressure sa pag-aangkat ng bigas para mapunuan ang suplay ng bansa.

Inatasan na umano ang DA at National Food Authority na bumuo ng technical working group para sa draft ng rice and corn production, procurement at distribution.

Paliwanag pa ni Piñol, pinag-aaralan na nilang gumamit ng 50,000 metric tons ng white corn sa initial stage na isasagawa sa Metro Manila kung saan ibebenta ang mix sa halagang 36 hanggang 38 pesos.

Umaasa siya na tatanggapin ng mga rehiyon na hindi sanay kumain ng mais ang rekomendasyon partikular ang Metro Manila, Bicol, Central at Northern Luzon.