Close

Ricci Rivero, nag-sorry sa nasigawang fan sa viral video

Sponsor ads


Agad na ipinaliwanag ng college basketball star na si Ricci Rivero ang dahilan ng pagsigaw niya sa kanyang girl fan sa isang viral video.

Hindi kasi sinasadyang mapagtaasan ni Rivero ng boses ang fan matapos itong humiling ng selfie.

Ayon sa basketball star, "I had a bad game, it was a frustrating loss. This was my first game out of and against La Salle".

Dagdag pa ni Ricci, ang kanilang dugouts ang nagsisilbing pribadong lugar kung saan nila inilalabas ang kanilang emosyon matapos ang isang importanteng laban.

Kaya hindi aniya ito ang tamang panahon at lugar para humiling ng selfie.

Ngunit sa kabila nito ay humingi naman ng tawad si Rivero sa naturang fan , sa mga naapektuhan at nadismaya sa kanyang inasal.