Close

Rhian Ramos, wapakels sa issue sa kanila ng "girl" friend na si Bianca

Sponsor ads


No care ang kapuso actress na si Rhian Ramos kung bigyan man ng meaning ang closeness nila ng bff nito na si Bianca King.

Ayon kay Rhian, okay lang sa kanya kung sabihin ng mga netizens na mayroon silang romantic relationship dahil sa ganitong panahon, pag may close friend o girl crush ang isang tao ay normal nang pag-isipan ito.

Ngunit nilinaw naman ni Rhian na super love niya Bianca in a different way.

Sigurado pa rin naman umano siyang boy ang kanyang type at never pang na-experience na maattract sa kapwa babae.

Samantala, aminado naman si Rhian na wife o wifey ang minsang niyang tawag sa kaibigan dahil wala sila sa mental state na magpakasal anytime soon.