Close

Rhian Ramos, kinumpirma ang break-up sa non-showbiz boyfriend

Sponsor ads


Inamin ng aktress na si Rhian Ramos na mahal niya pa rin ang kanyang non-showbiz ex-boyfriend.

Ayon kay Rhian, naging masaya siya sa piling na si Jason Choachuy sa loob ng 3 at kalahating taon.

Giit ng 27-anyos na aktress, ayaw niya na gawan ng mga tao ng kung anu-anong kwento ang naging pinagsamahan nila ng kanyang dating nobyo.

Pero nilinaw ni Rhian na marami lang siyang pinagdadaanan na pagbabago sa buhay niya ngayon.

Matapos naman makipag-break ni Rhian sa kanyang Filipino-Chinese boyfriend ay nais niya muna mag-focus sa kanyang sarili.

Samantala, tumanggi naman si Rhian na linawin kung kapwa napagkasunduan nila ni Jason ang break-up pero sinabi niya na kung meron man ang kailangan na magtanda, ay siya yun.