Close

Revenue target sa TRAIN, nahigitan noong 2018

Sponsor ads


Nahigitan ng gobyerno ang revenue target nito mula sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law noong nakaraang taon sa kabila ng ipinatupad na mas mababang personal income tax rates.

Tumaas nang 8.1 percent ang kita ng pamahalaan mula sa TRAIN Law sa 68.4 billion pesos na higit sa 63.3 billion pesos na target.

Ayon sa Department of Finance, ang pinakamalaking kita ay nanggaling sa tobacco excise tax, auto, at documentary stamp tax collections habang tumaas rin ang personal income tax collections dahil sa mas maayos na compliance at pagtaas ng bilang ng registered taxpayers.

Sa kabuuan ay 51.5 billion pesos ang naging kontribusyon ng mga nabanggit na gainers.

Dahil dito ay nadagdagan anila ang public resources para sa imprastraktura at human capital development programs ng gobyerno.

Pagmamalaki pa ng DOF, dahil sa TRAIN Law at nakalikom ang pamahalaan ng 12 billion pesos kada buwan mula sa individual taxpayers na karamihan ay sumusuweldo.