Close

Restricted items sa Hong Kong, ipinaalala sa mga Pilipino

Sponsor ads


Ipinaalala ng Department of Foreign Affairs sa mga Pilipino na babyahe patungong Hong Kong na siguraduhin na wala silang dalang mga ipinagbabawal na gamit sa kanilang bagahe.

Sinabi ng DFA na kabilang sa restiricted items na hindi dapat dalhin ng mga Pilipino papuntang Hong Kong ay ang mga pang-self defense kabilang na ang stun guns, pepper spray, tear gas, extendable batons, flick knives, at knuckledusters.

Dagdag ng DFA, ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit na walang lisensya ay may kaakibat na parusa na aabot sa HK$100,000 o tinatayang nasa P663,000 na may kasamang 5 taong pagkakakulong.

Matatandaan na sinabi ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na meron Pilipinong estudyante ang naaresto matapos itong makitaan ng 2 extendable batons sa loob ng kanyang bagahe.

Pinigilan ang pag-alis niya noong January 8 pero napakawalan din kahapon sa tulong ng mga awtoridad mula sa Pilipinas.