Close

Respondent sa P6.4-B shabu mess, nagtangkang tumakas ng PH

Sponsor ads


Ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na tinangkang tumakas ng bansa ng isa sa respondents ng P6.4 bilyong shabu smuggling case.

Sa isang pulong balitaan kanina sa Malakanyang, sinabi ni Aguirre na binalak na lumabas ng bansa ni Richard Chen, may-ari ng warehouse sa Valenzuela kung saan narekober ang P6.4 bilyong halaga ng shabu na pinalusot sa Bureau of Customs.

Ayon sa kalihim, ang tanging dahilan kaya't hindi makaalis ng bansa si Chen ay ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) pero hindi umano tiyak kung gumawa ng ibang paraan si Chen para makalabas ng bansa.

Pero hinala umano nila ay nandito pa si Chen dahil wala namang notice mula sa Immigration na lumabas na ito ng bansa.

Sa katunayan umano ay dalawang beses nang nagtangkang lumabas ng bansa ni Chen at mayroon pang tumulong ditong makalabas ng Pilipinas na isang immigration officer na nag-AWOL na.