Close

Reso re: Suspension ng pagtaas ng excise tax sa 2019, inihain na

Sponsor ads


Pormal nang inihain nina opposition Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino ang resolusyon ng minorya para suspendihin ang pagtaas ng excise tax sa Enero 2019.

Ayon kay Aquino, ito ang nakikita nilang paraan upang maibsan ang pabigat na epekto ng TRAIN Law sa taongbayan partikular na sa presyo ng basic commodities at produktong petrolyo.

Dahil aniya isang force of law ang TRAIN, ay kailangan umaksyon ang ehekutibo dito sa oras na aprubahan ng bicameral conference committee ang resolusyon.

Sa ngayon, kailangan nila ng lagda ng 13 senador upang pumasa ang resolusyon habang isang counterpart resolution naman ang ihahain sa Kamara sa pamamagitan ni House Ways and Means Chair Cong. Miro Quimbo.

Kumpiyansa si Aquino na marami sa kanilang mga kapwa mambabatas ang susuporta sa kanilang resoluyon.

Samantala, pasok naman sa mga masususpinde sa pagtaas ng excise tax ay ang nga nauna nang itinaas ngayong taon sa presyo ng bilihin at langis.