Close

Remittances, bumaba ng halos 10% noong March —BSP

Sponsor ads


Bumaba ang remittances mula sa overseas Filipinos (OFs) noong Marso kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumaba ng 9.9% o $2.627 billion ang personal remittances mula sa $2.915 billion year-on-year.

Paliwanag ng BSP, ang negative growth sa naturang buwan ay dulot ng base effect kasunod ng sharp increase sa remittances noong March 2017 sa 10.7 percent.

Nakaapekto rin sa pagbaba nito ang kaunting bilang ng banking days noong March 2018 kumpara sa kaparehong buwan noong 2017.

Dagdag pa ng BSP, nakaapekto rin umano sa inflows ng cash remittances ang patuloy na repatriation ng mga Overseas Filipino Workers mula sa Middle East.

Sa kabila nito, nanatili pa namang mataas ang remittances noong Marso kumpara sa $2.528 billion noong February.