Close

Rekomendasyon ng FDA na huwag ipagamit sa health workers ang Sinovac, kinwestyon

Sponsor ads


Kinwestyon ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan kung bakit binigyan ng Food and Drug Administration ng emergency use authorization (EUA) ang Sinovac para sa paggamit ng COVID-19 vaccine nito sa bansa sa kabila ng hindi nito pagrekomenda ng bakuna para sa healthcare workers.

Tinukoy ni Pangilinan ang desisyon ng FDA bilang problematic, half-hearted, at half-baked endorsement.

Ayon sa senador, ano na lang mararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan na hindi frontliners kung maassign sila sa Sinovac dose imbis na sa ibang mga brand na walang negative recommendations.

Ipinunto ng senador na hindi mapapataas ng FDA ang kumpyansa ng publiko sa Sinovac base sa ibinigay na rekomendasyon.

Kung maalala ay sinabi ni FDA director general Eric Domingo na hindi rekomendado para sa mga health workers ang pagpapabakuna gamit ang Sinovac matapos maaprubahan ang EUA nito.

Base kasi sa human trials ng Sinovac vaccine sa Brazil, kung saan ay nagsilbing participants ang medical workers, ay lumabas na hindi maituturing na best choice para sa kanila ang nasabing bakuna.