Close

Reigning champions Batangas, wagi sa unang MPBL game

Sponsor ads


Naging maganda ang simula ng Batangas City Athletics-Tanduay nang talunin nito ang Quezon City Capitals-Black Mamba Energy Drink para sa laban nila na nagtapos sa scores na 90-95.

Sa 28 points ni Pedrito Galanza Jr. ay pinangunahan niya ang opening game ng Batangas na reigning champions sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup .

Umabot pa sa 18 puntos ang pinakamataas na lamang ng Batangas sa torneyo subalit naputol rin ito sa sa fourth-quarter rally ng Capitals'.

Tumatak naman sa laro ang 3-point play ni Jojo Duncil na naging dahilan kung bakit lalo pang lumapit ang puntos ng Quezon City sa Batangas.

Subalit nauwi sa 2-possession game para sa Batangas ang laro matapos ang naging free throws ni Lester Alvarez.

Tuluyan naman naselyohan ng Athletics ang lamang at panalo nito salamat sa 3 free throws nila na pumasok sa huling 12 segundo.

Samantala, nag-ambag naman si Dennice Villamor ng 20 points at 12 rebounds para sa Batangas habang si Alvarez naman ay nakapagtala ng 7 points at 9 assists.