Close

Regine Tolentino, mas-happy maging single

Sponsor ads


Opisyal nang magiging single ang si Regine Tolentino sa June 3.

Magiging epektibo na kasi ang annulment ng 39-years old Dance Diva ng kanyang 18-taon asawa na si Lander Vera-Perez sa nasabing araw.

Ayon ka Regine, mas masaya siya ngayon kahit single parent siya sa kanyang dalawang anak na sine Reigne at Reigen.

Giit pa ni Regine, wala nang pabigat sa kanyag ngayon at never naman daw niya na-feel na meron siyang nakuhang financial at moral support.

Gayunpaman, aminado si Regine na namimiss niya ang pakiramdam na ginagawa ng mag-jowa katulad ng pag-holding hands, may kayakap at may ka-selfie.

Tanong tuloy ni Regine ay kung kailan darating ang kanyang Prince Charming?

Nagseselos na daw siya dahil maging ang mga anak niya ang may mga manliligaw.

Willing naman daw si Regine na mag-start over again at mahanap ang tamang tao para sa kanya na pwede niyang pakasalan balang araw.

Mababatid na apat na taon nang walang komunikasyon si Regine sa asawa