Close

Ref technician, naghain ng COC para sa mayoralty post sa Manila

Sponsor ads


Hindi nagpatinag ang isang refrigerator technician na maghain ng certificate of candidacy pagka-alkalde ng Manila.

Mababatid na simula pa noong 1998 elections nang maghain ng COC si Benjamin Rivera, ngunit lagi rin itong nadedeklarang nuisance candidate.

Pero sa kanyang muling pagsugod sa Commission on Elections, sinabi ng 76-anyos na aspirant na binabalewala lang umano niya mga batikos at pagtawag sa kanya bilang nuisance bet.

Paliwanag pa nito, mula 1998 hanggang ngayon ay parang nag-aral umano siya ng pagka-abogado sapagkat nagsisikap siya anuman ang kalagayan at estado niya sa buhay.

Sa huli, iginiit nito na magkakaroon pa rin siya ng effective campaign sa kabila ng P50,000 budget at sa oras na mahalal umano siya, ipag-uutos niya sa mga opisyal na inaakusahan ng kurapsyon na magreport sa kanyang opisina at sunagot sa preliminary questions.