Close

Reduced physical distancing ibinase sa science ayon sa DOTr

Sponsor ads


Idinipensa ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ngayong araw ng reduced physical distancing sa mga public transport sa gitna ng hindi pa humuhupang COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, nakabase sa siyensiya ang kanilang naging hakbang.

Paliwanag ni Tuazon na ang pinagbasehan nila ay ang pag-aaral ng ibang eksperto, katulad ng International Union of Railways, kung saan lumalabas na hindi naman kailangan talagang ganun kalaki ang distansya para maka-iwas sa virus.

Sa kanilang pag-aaral sinabi ng DOTr official na maari pa rin bumaba ang transmission rate nang 94-95% kahit medyo dumikit ng konti ang mga pasahero bastat sinusunod ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, at ang regular disinfection.

Sinabi ni Tuazon na kung titignan ang mga datos ngayon, ang Pilipinas na lang ang nagpapatupad ng one-meter distancing sa mga railways sa buong mundo.


Photo Courtesy: Business Mirror