Close

Recycled metals na gagawing medalya, matatapos na next month

Sponsor ads


Inaasahang matatapos na sa Marso ang pangongolekta ng recycled metals na gagamitin sa paggawa ng medalya para sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Ang nakolektang metal ay mula sa maliliit na electronic devices at sirang cellphone.

Ayon sa Tokyo Metropolitan Government at Tokyo Organizing Committee, nasa limang libong gold , silver at bronze medals ang dapat maprodus sa 2020 games.

Malaking tulong ang mga metal para maisakatuparan ito.

Mababatid na taong 2017 pa nang mag-umpisa ang pangongolekta ng metal.