Close

Re-elected Brgy. Chairman, inaresto ng PDEA

Sponsor ads


Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang re-elected barangay chairman ng Barangay Malasila sa Makilala, North Cotabato madaling araw nitong Miyerkules matapos salakayin ang kanyang tirahan.

Ang nadakip ay kinikilalang si Melvin Fortajada na muling nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections nitong Lunes, May 14 at magsisilbi na sana ng kanyang huling termino sa nabanggit na barangay.

Narekober ng awtoridad sa tahanan nito ang limang pakete ng shabu, mga drug paraphernalia, at tatlong bala ng .45-pistol na ayon naman sa suspek ay ‘di umano niya pagmamay-ari at na-set up lamang siya.

Giit naman ng PDEA, pawang kasinungalingan ang sinasabi ni Fortajada dahil matagal na itong minamanmanan ng kanilang operatiba bago pa man sila mag-isyu ng search warrant bagamat hindi ito kasama sa nilabas na Narcolist kung saan nakatala ang mga pangalan ng mga opisyal na sangkot rin sa kalakalan ng illegal drugs. // AJ Nguho (Contributor)