Close

Raptors wagi kontra 76ers matapos ang buzzer-beater ni Leonard

Sponsor ads


Umuwing luhaan ang Philadelphia 76ers matapos talunin ng Toronto Raptors sa Game 7 ng Eastern Conference semi-finals 92- 90.

Naging susi sa panalo ng Raptors ang 41 point ni Kawhi Leonard kabilang na ang buzzer-beater fade-away shot nito sa huling segundo ng laro.

Swerte pang maituturing ang pagpasok ng bola matapos itong tumalbog ng tatlong beses bago tuluyang dumiretso sa ring.

Lamang pa ng limang puntos ang Toronto sa huling dalawang minuto ng laban ng mahabol at maibuslo ni Jimmy Butler ang lay-up para sa 90-90 all.

Sa kabuo-an ay may 16 points si Butler habang nagambag naman sina Joel Embiid 21 points at 17 puntos para kay JJ Redick.

Makakalaban naman ng Toronto ang Milwuakee Bucks na matagal nang naghihintay sa Eastern Conference Finals.