Close

Raps vs smugglers ng P37.7M sibuyas, sigarilyo, naihain na

Sponsor ads


Naghain na ang Bureau of Customs (BOC) ng crminal case sa Department of Justice (DOJ) laban sa anim katao na dawit sa illegal importation ng P11.1 million halaga ng sibuyas at P26.6 million halaga ng sigarilyo.

Mababatid na ideneklara bilang mga preskong apples ang mga sibuyas, dahilan para isampa ang misdeclaration of goods at unlawful importation laban sa tatlong proprietors ay isang customs broker, according to a statement from the bureau on Friday.

Dahil dito, lumabag sina Joseph Martin Arriesgado, sole proprietor ng EAJM Enterprises; Manilou Hernandez, sole proprietor ng Buensuceso Enterprise; at licensed customs broker nito na si Lorenz Mangaliman; at Arvin Tagudi, sole proprietor ng Epitome International Trading ng Customs Modernization at Tariff Act (CMTA) kaugnay
sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Samantala, sina Mark David Villanueva, may-ari ng Marid Industrial Marketing; at ang licensed customs broker nito na si Carme Anna Rollon ay kinasuhan naman ng illegal importation of cigarettes na unang ideneklara bilang industrial fur texture.