Close

Radiation levels sa isang Russian city, tumaas dahil sa missile test

Sponsor ads


Tumaas umano ng 16 beses ang radiation levels sa Russian city of Severodvinsk matapos ang pinaghihinalaang missile test noong August 8 sa isang sea platform na ikinamatay ng limang scientists.

Ayon sa ulat, sinabi ng defense ministry na nananatiling normal ang background radiation sa siyudad.

Pero iginiit ng mga local authorities sa Severodvinsk sa northern Russia na sumipa ang radiation levels sa lugar.

Mababatid na una nang pinalikas ng mga otoridad ang mga residente sa nasabing bayan pati na sa kalapit nitong Nyonoksa subalit pinahinto ito ng military.

Pinagsususpetsahan ng mga eksperto na ang paglabas ng radiation ay dahil bigo ang ginawang rocket testing ng Burevestnik nuclear-powered cruise missile.

Ang Burevestnik ay isang bagong strategic weapons na binanggit na ni Russian President Vladimir Putin noon.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Kremlin kaugnay ng insidente.