Close

Rachelle Ann Go, ikakasal na sa April 19 sa Boracay

Sponsor ads


Kumpirmadong ikakasal sa April 19 sa isla ng Boracay ang singer na si Rachelle Ann Go at American fiance na si Martin Spies.

Ayon sa report, mismong si Rachelle ang nagsabi sa ilang kaibigan kaugnay sa petsa ng kanilang kasal.

Biruan tuloy ng iba, mabuti na lamang at nakahabol ang kasal bago ang 6-month closure ng pamosong isla.

Naka-post din sa social media account ni Rachelle ang short video ng pag-welcome sa kanila sa Discovery Shores sa Boracay na may banner at teddy bear para sa soon to be wed couples.

Sina Rachelle at Martin ay nagkakilala sa isang Christian service sa New York habang ginagawa nito ang kanyang role sa Miss Saigon habang si Martin naman ata talagang nakatira doon at nagtatrabaho bilang general manager ng isang American luxury fitness company.