Close

RT-PCR technology, gagamitin parin sa saliva COVID test

Sponsor ads


Ibinahagi ni Senator Richard Gordon na ang saliva test para sa detection ng COVID-19 ay gagamit parin ng parehong Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) technology, na ginagamit para sa swab test.

Paliwanag ni Gordon, laway lang ang nabago para sa naturang test, pero hindi na nakakasuya na papasukin ang lalamunan o ilong ng isang magpapatest.

Ayon sa senador na siyang chairman ng Philippine Red Cross, gagamitin parin ng organisasyon ang RT-PCR laboratories sa pagproseso ng mga samples para sa saliva tests.

Una nang inanunsyo ng humanitarian organization na magsasagawa sila ng COVID-19 tests gamit ang laway mula sa 1,000 health workers sa bansa, bilang compliance sa requirements ng Department of Health para sa full approval ng bagong testing method.