Close

RDO, opisyal na sa Meralco!

Inanunsyo na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association ang isa na namang kagulat-gulat na trade sa pagitan ng tatlo nilang koponan.

Nakuha ng Meralco Bolts ang beteranong player na si Ranidel de Ocampo mula sa Talk N Text KaTropa.

Nuong una ay ite-trade dapat si RDO papuntang Phoenix FuelMasters para makuha si Norbert Torres at ang first-round draft pick.

Napagdesisyunan naman ng Phoenix na pakawalan si de Ocampo sa Meralco kapalit si Justin Chua at ang 2017 draft first round pick.
#