Close

Queen P, muling rumampa sa New York Fashion Week

Sponsor ads


Muling rumampa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa New York Fashion Week runway ngayong taon suot ang creations ng sikat na designer na si Sherri Hill.

Unang inirampa ni Queen P sa runway ang silver tube slit gown na gawa ni Hill at pagkatapos ay ang itim na tube ruffled ball gown na talagang #fitforaqueen ika ng designer.

Nagniningning si Pia habang suot ang eleganteng pieces ni Hill.

Hindi lamang si Pia ang beauty queen na rumampa sa runway, lumabas din sa much anticipated fashion event si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters suot din ang gawa ng nasbaing designer.

Mababatid na noong 2016 unang rumampa si Pia sa New York Fashion Week at pagkatapos ay umuwi ng Pilipinas para mag-shoot ng pelikula.