Close

Qatar, nilagdaan na ang billion-dollar US arms deal

Nilagdaan na ng Qatar ang nasa $12-B na deal para sa pagbili ng F-15 fighters jets mula sa US.

Ang procurement ay pinalisa sa pulong sa Washington sa pagitan ni US defence chief Jim Mattis at ng kanilang Qatari counterpart.

Nangyari ang negosyasyon ilang araw matapos na akusahan ni US President Donald Trump ang Qatar na siyang major ally ng US na nagpopondo umano sa terorismi "at a very high level" bagay naman na itinanggi ng Qatar.

Mababatid na una nang pinutol ng ilang Gulf countries ang kanilang ugnayan sa Doha, matapos akusahang pagpapabagsak sa rehiyon sa pamamagitan ng kanilang suporta sa umano'y extremist groups.

Ang Qatar ay ang tahanan ng pinakamalaking US air base sa Middle East, Al-Udeid kung saan mayroon itong 10,000 troops na siyangnangunguna sa US-led operations laban sa Islamic State (IS) group sa Syria at Iraq.