Close

Putin, sa bangayan ng NoKor at US: 'Kim Jong Un won this round'

Sponsor ads


Tinawag na "mature politician" ni Russian President Vladimir Putin si North Korean leader Kim Jong Un.

Ito ay sa gitna ng bangayan nina Kim at ni United States President Donald Trump kaugnay ng tumataas na tensyon sa Korean Peninsula dahil sa sunud-sunod na pagsasagawa ng nuclear missile tests ng NoKor.

Sa harap ng Russian reporters, sinabi ni Putin na para sa kanya, si Kim ang nagwagi sa bangayan kontra Amerika dahil sa lakas ng nuclear at missile programs ng Pyongyang.

"I think that Mr. Kim Jong Un has obviously won this round. He has completed his strategic task: he has a nuclear weapon, he has missiles of global reach, up to 13,000 km, which can reach almost any point of the globe," Putin told Russian journalists at a televised meeting.

Gayunman, tiyak umano si Putin na nais na ni Kim na pakalmahin ang sitwasyon sa peninsula.

Mababatid na bumoto ang Russia pabor sa pagpataw ng United Nations ng international sanctions sa North Korea dahil kinokonsiderang banta sa seguridad ng mga katabing bansa ang pagsasagawa nito ng missile tests.

Samantala, umarangkada na ang talks sa pagitan ng North Korea at South Korea para maayos ang nagkalamat nilang relasyon at para na rin mapahupa ang tensyon sa Korean Peninsula.