Close

Putin, Xi, inilunsad ang makasayayang Russia-China gas pipeline

Sponsor ads


Pinangunahan nina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping ang paglulunsad ng kauna-unahang gas pipeline na nagkokonekta sa dalawang bansa.

Sinabi ni Putin na makasaysayan ang paglulunsad ng gas pipeline, para sa global energy market at para sa Russia at China.

Ayon kay Xi, magiging mutually beneficial para sa dalawang bansa ang naturang proyekto.

Ipinunto naman ni Alexei Miller, head ng Russian gas giant na Gazprom, na tinatayang nasa 10,000 mga tao ang nagtulong-tulong para buoin ang malahiganteng pipeline.

Sa seremonya ay nakita si Miller na inuutusan ang mga tauhan nito na buksan ang valve upang padaanin ang gas na papunta sa pipeline system ng China.

Nakapwesto ang 3,000 kilometrong pipeline sa eastern Siberia, lalampas ang haba nito sa Blagoveshchensk na nasa border nng bansa hanggang sa makarating ito sa China.

Ang 30-year $400-billion deal ng Russia at China para sa pagbuo ng pipeline noong 2014, ay ang pinakamalaking kontrata na ng Gazprom.