Close

Pusisyon bilang presidente ng PhilHealth, inalok kay Dr. Jaime Cruz

Sponsor ads


Pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga ang isang Dr. Jaime Cruz bilang susunod na presidente ng Philippine Health Insurance Corporation.

Ito ang inanunsyo ng dating presidential aide na si Senator Christopher Bong Go.

Sa ngayon ay hindi pa napapaulat kung tinanggap na ni Cruz ang alok sa kanya ng Pangulo.

Matatandaan na sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hiniling ng Pangulo ang courtesy resignations ng mga opisyal ng PhilHealth, kabilang na si acting president Dr. Roy Ferrer dahil sa skandalosong ghost dialysis treatments para sa mga pasyente na patay na.

Sinabi rin ni Panelo na pinasalamatan ng board members ang Pangulo nang sila ay magpulong sa Malacañang dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanila para pagsilbihan ang publiko.

(Photo via Philstar)