Close

Punong Brgy, 3 iba pa patay sa pananambang sa Basilan

Sponsor ads


Basilan Province- Patay ang Punong Barangay ng Barangay Matata Ungkaya Pukan at tatlo nitong kasamahan, matapos tambangan ng mg armadong kalalakihan sa may Sitio Bakud, Barangay Banah Boundary ng Lamitan City at Tipo-Tipo sa Probinisya ng Basilan.

Ang nasawing Punong Barangay ay kinilala na si Vin Saudi Sarakil at Tatlo nitong kasamahan na kinilala rin na sina Usop Abdul Majud , Kain Manisan at si Ibrahim Abdulkarim.

Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command ,habang sakay ang mga biktima sa kanilang sasakyan galing umanong lungsod ng Lamitan at ng dumating sa nasabing lugar pinaulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan ang mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy parin ang gingawang imbestigasyon ng otoridad upang malaman ang motibo at pagkakilanlan ng mga salarin.(Kathrina Aniñon)


??Ronda Basilan