Close

Pulis na idinawit ni Duterte sa drug matrix, pumalag

Sponsor ads


Pumalag ang isa sa mga pulis na idinawit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang bagong inilabas na drug matrix kamakailan.

Tampok kasi sa matrix ang pangalan ng pitong mga may kinalaman umano sa pagpuslit ng bilyong halaga ng ilegal na droga sa Bureau of Corrections.

Kabilang dito si Superintendent Leonardo Suan kung saan iginiit na dapat ay idinaan muna sa validation ang matrix bago ito isinapubliko.

Giit ni Suan, walang katotohanan ang intel report dahil sa tagal na nya sa serbisyo ay wala pa syang kasong hinarap.

Nais umano nyang ipakita ang kanyang mga medalya, awards at accomplishments upang makilala sya ng taumbayan na walang tinatagong luho.

Di umano papayag si Suan na dahil lamang sa isang pirasong papel ay masisira ang kanyang career kaya't handa syang sumailalim sa lifestyle kung kinakailangan.

Mali rin daw ang sinasabi sa ulat na "dismissed" sya dahil aktibo pa rin sya sa serbisyo.

Kinumpirma naman ni Suan na dati nyang mga kasama sa Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ang mga nasa matrix pero wala syang alam sa mga lakad nina Philippine Drug Enforcement Agency director for administration Ismael Fajardo at Customs intelligence officer at retired police officer Eduardo Acierto.