Close

Pulis kinasuhan ang Raptors Basketball President

Sponsor ads


Tuluyan ng sinampahan ng kaso ng isang police officer si Masai Ujiri ang President of Basketball Operations ng Toronto Raptors.

Ang naturang asunto ay may kaugnayan sa umanoy panununtok ni Ujiri sa isang pulis ilang sandali matapos ang Game 6 ng NBA Finals noong nakaraang taon laban sa Golden State Warriors.

Kasong assault at damages ang isinampa ni Sheriff Deputy Alan Strickland mula sa California.

Batay sa reklamo, sinuntok umano sa mukha at sa dibdib ni Ujiri ang police officer nang sinubukan nitong pumunta sa court matapos masungkit ng Toronto ang kauna-unahan nitong NBA Championship.

Kasama din sa mga nagrereklamo ang asawa ni Strickland na kasama umano sa natamaan noong magkaroon ng komosyon.

Hinihiling naman nang mag-asawa na mabigyan ng hindi bababa sa $75, 000 general damages at pagbarayin si Ujiri sa medical at incidental expenses.