Close

Pulis, sugatan sa aksidente

POLOMOLOK, South Cotabato - Naospital ang isang pulis makaraang mahulog ang motorsiklong minamaneho nito sa gilid ng highway, gabi ng Hunyo 16 sa national highway, Barangay Sulit, nitong bayan.

Kinilala ito na si PO2 Donna Jean Baguio Villalobos, 30, may-asawa, PNP member na naka-assign sa Polomolok Police Station at residente ng Papaya Street, Polomolok.

Binabaybay umano ng biktima ang highway galing sa Koronadal ng aksidente itong mahulog sa hindi pa natapos na parti ng highway.

Nagtamo ito ng mga sugat sa ulo at iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan na dinala sa ospital.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis sa insidente. (Girlie Narciso-Solis)