Close

Proyekto para makabili ng bigas direkta sa mga magsasaka, ilulunsad ng DA

Sponsor ads


Ilulunsad ng Department of Agriculture ang proyekto nito na'Bigas ng Masa' kung saan ay papayagan ang mga konsumer na bumili ng bigas direkta sa mga magsasaka.

Ginawa ito ng DA upang hindi malugi ang mga magsasaka sa iaangkat 250,000 metriko tonelada na bigas ng National Food Authority.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, mas murang mabibili ang bigas mula sa mga magsasaka sa ilalim ng proyekto dahil mawawala na ang mga tubo na kadalasan pinapatong ng mga retailers.

Tiniyak naman ni Piñol na hindi maabuso ng mga negosyo ang Bigas ng Masa project ng ahensya dahil nasa 25 kilo ng bigas lang ang pinakamarami na pwedeng bilhin ng bawat konsumer.

Kaugnay nito ay sinabi ni Piñol na target ng mga magsasaka ngayon 2018 na lampasan ang 1.7 metric tons na produksyon nito ng bigas noong 2017

Mababatid na nasa P40 hanggang P60 ang halaga ng bigas sa palengke habang ang mga bigas naman na direktang mabibili mula sa mga magsasaka sa ilalim ng nasabing proyekto ay nasa P38 kada kilo lamang.