Close

Provl govt sinagot ang LTOPF processing ng mga barangay kapitan

KORONADAL CITY - Naglaan ng P 600,000 ang provincial government ng South Cotabato para sa processing ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ng mga punong barangay sa lalawigan at mga security personnel ng provincial government sa isinagawang LTOPF caravan ng Regional Civil Security Unit (RCSU) 12 noong Lunes.

Napag-alaman na walang pondo ang mga barangay para sa application at renewal ng LTOPF kung kayat provincial government na ang sumagot sa P 3,200 na processing fee ng mga ito.

Ayon kay Provincial General Services Officer (PGSO) Marlyn Almaden na importante na magkaroon ng LTOPF ang mga punong barangay upang hindi na maging problema ang pag-isyu sa mga ito ng shotgun.

Ayon sa RCSU 12, hindi maaring bumili o humawak ng baril ang mga walang lisensya.

Ang naturang caravan ang nagsilbing one stop shop kung saan lahat ng mga opisina na involve sa pagkuha ng LTOPF ay tinipon sa covered court ng provincial capitol. (Arjean Bautista-Gasis)