Close

Protesta, ihahain ni Kovalev vs Ward

Nakatakda umanong iapela ng kampo ni former champion Sergey Kovalev ang resulta ng laban nila ni WBA, IBF, WBO light heavyweight champion Andre Ward sa Mandalay Bay Events Center, Las Vegas.

Ayon kay Kovalev’s promoter Kathy Duva, idudulog nila sa boxing commission ang kanilang kaso, matapos na tinanggihan umano ang hirit nilang "instant replay" sa mga natanggap na low blows ng alaga.

“He got hit with three low blows. We asked the commission for an instant replay and the commission refused. We will appeal to the commission on Monday,” ayon kay Duva.

Una na ring pinalutang ng kampo ni Kovalez ang posibleng rematch nila ni Ward.




"He hit with four low blows. The ref didn’t call them. I felt I could have continued. This is bullshit.”

Sa naturang laban, nasungkit ni Ward ang panalo via 8th round stoppage, matapos itigil ni referee Tony Weeks dahil sa sunod-sunod na suntok na natanggap ni Kovalev.