Close

Proseso sa pagtatayo ng cell sites, pina-ikli kasunod ng ultimatum ni Duterte

Sponsor ads


Ipinaliwanag ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Atty. Jeremiah Belgica ang bagong proseso para sa pagtatayo ng mga cell sites.

Ito ay matapos ang reklamo ng mga telecommunication companies sa mabagal na pag-usad ng kanilang permit para makapagtayo ng pasilidad na makapagpapalakas ng internet connection sa bansa.

Ayon sa isang Telco umaabot ng halos walong buwan ang pagkakabinbin sa mga LGUs ng kanilang aplikasyon bago maaprubahan kaya naantala ang kanilang konstruksiyon ng mga tower.

Kaugnay nito sinabi ni Belgica na ginawan na nila ito ng paraan at mula 241 days binibigyan na lamang ng 16 days ang mga opisina sa LGUs para iproseso ang permit sa pagtatayo ng cell sites.

Dagdag pa ni Belgica, binawasan din nila ang mga requirements na ipapasa ng mga telcos na ngayon ay nasa 35 documents na lamang mula sa dating 85.

Naniniwala si Belgica na makakatulong ito ng malaki para mapabilis ang pag gawa ng mga facilities ng mga telecommunication companies lalo't hangang Disyembre lamang ang ibinigay sa mga ito na ultimatum ni Pangulong Duterte.// LEY BAGUIO