Close

Prosecutors Office itinakda sa Enero 27 ang sunod na hearing sa Dacera case

Sponsor ads


Itinakda ng Prosecutors Office sa Enero 27 ngayong taon ang pagdinig sa kaso ni Christine Dacera, ang flight attendant na nakitang wala nang buhay sa isang Hotel sa Makati City.

Ito ay matapos sabihin ng Philippine National Police na hinihintay pa nila ang resulta ng DNA analysis, Toxicology/Chemical analysis Histopath examination at laboratory results mula sa Makati Medical Center.

Dahil dito tinukoy ni Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan, ang naturang kaso bilang “for further investigation.”

Nabatid na pito sa 11 respondents ang dumalo sa preliminary investigation kahapon.

Lima sa mga respondent na sina Rommel Galido, JP Dela Serna, Gregorio De Guzman, Clark Rapinan, at Valentine Rosales — ay nasumite na ng kanilang counter-affidavit sa kaso.

Sa affidavit ni Dela Serna, binawi nito ang unang pahayag sa mga otoridad kaugnay sa umano'y powder drug na inilagay sa inumin ni Christine, at sinabing tinorture siya at pinilit lamang ng mga pulis na sabihin ang ganoong statement.