Close

Proposed expansion ng PPP sa 2019, suportado

Sponsor ads


Kumpiyansa si House Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua na magagawan ng paraan ang pagpapalawig sa Pantawid Pasada program ng gobyerno sa sandaling magsimula na ang budget deliberations para sa 2019.

Ipinapanukala kasi ng Department of Transportation na itaas sa mahigit dalawampung libong piso ang subsidiya para sa franchise holders sa susunod na taon na mangangailangan ng hindi bababa sa limang bilyong pisong pondo.

Ayon kay Cua, bagama't kahit paano ay makakaluwag ang mga driver at operator sa 5,000 pesos na fuel subsidy ng gobyerno, suportado pa rin niya ang expansion ng programa lalo't nagtataasan ang presyo ng langis.

Ang mas mahirap aniyang trabaho sa ngayon ay ang sistema kung paano ibibigay ang assistance sa kwalipikadong benepisiyaryo na sinimulan sa pamamahagi ng cash card ngayong araw.

Paliwanag ng kongresista, sa pamamagitan ng cash card ay mas mapapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa nagbabagong presyo ng krudo sa world market. na magagawan ng paraan ang pagpapalawig sa Pantawid Pasada program ng gobyerno sa sandaling magsimula na ang budget deliberations para sa 2019.

Ipinapanukala kasi ng Department of Transportation na itaas sa mahigit dalawampung libong piso ang subsidiya para sa franchise holders sa susunod na taon na mangangailangan ng hindi bababa sa limang bilyong pisong pondo.

Ayon kay Cua, bagama't kahit paano ay makakaluwag ang mga driver at operator sa 5,000 pesos na fuel subsidy ng gobyerno, suportado pa rin niya ang expansion ng programa lalo't nagtataasan ang presyo ng langis.

Ang mas mahirap aniyang trabaho sa ngayon ay ang sistema kung paano ibibigay ang assistance sa kwalipikadong benepisiyaryo na sinimulan sa pamamahagi ng cash card ngayong araw.

Paliwanag ng kongresista, sa pamamagitan ng cash card ay mas mapapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa nagbabagong presyo ng krudo sa world market.