Close

Proposal ni Cayetano sa term extension, maling panimula - Lacson

Sponsor ads


Bansa muna, bago ang pansariling interes.

Yan ang sinabi ni Senator Panfilo Lacson sa kanyang tweet bilang reaksyon sa iminungkahi ni Taguig City Representative Alan Peter Cayetano na mapalawig ang termino ng mga kongresista.

Ayon kay Lacson, maling simula ito para kay Cayetano, o sadyang maling mensahe lang ang sinabi nito.

Giit ng senador, ang pagpapalawig sa term limits ay paraan para magpaalam sa charter change sa ilalim ng 18th Congress.

Matatandaan na si Cayetano na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Speaker ng House of Representatives, ang nagpalutang sa usapin na may kinalaman sa pagpapahaba sa termino ng mga kongresista dahil magiging mas praktikal at produktibo anya ito para sa bansa.