Close

Proposal na pagpahingahin ang health frontliners, di pa feasible- group

Sponsor ads


Di pa umano posible ang proposal ng Malacañang na bigyan ang mga health frontliners ng tsansa na makapagpahinga dahil nananatili pa ring problema ang kakulangan ng hospital workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Philippine Hospital Association President Dr. Jaime Almora, maliban sa pag-attend sa mga COVID-19 patients, kailangan ding rumesponde ng mga medical frontliners sa tumataas na bilang ng non-coronavirus cases gaya ng heart attack at stroke.

Dagdag ni Almora, kailangan ding maging handa ang mga ospital para sa posibleng intermittent surges ng COVID-19 patients.

Habang umaasa si Almora na dadating ang oras na makapagpapahinga rin ang mga frontliners, malabo pa umano ito sa ngayon dahil hirap pang makapagbigay ng de kalidad na pag-aalaga sa bawat pasyente sa available na manpower ngayon sa bansa.

Mababatid na pinalutang ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mabigyan ng break ang hospital frontliners dahil 50 percent lang umano ng ward, isolaton, at ICU beds na para sa COVID-19 patients ang okupado sa buong bansa sa gitna ng downtrend ng infections.

Kung matatandaan, noong Agosto, binigyan ng timeout ang mga medical frontliners sa gitna ng health crisis at hinigpitan ang quarantine levels kasunod ng pagtaas ng COVID-19 cases bunsod ng pinaluwag na restrictions.