Close

Proklamasyon ng nanalo sa Quezon, naantala dahil sa depektibong SD cards

Sponsor ads


Naantala ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa Quezon province.

Sinabi ni Sheryl Moresca-Julie, head ng Commission on Elections sa Quezon Province, na ang nararanasang delay ng probinsya ay dahil marami sa mga SD cards ang depektibo.

Ayon kay Julie, ang mga kumpletong election returns na natanggap nito ay nagmula lamang sa 27 lugar mula sa 39 na bayan at 2 lungsod ng Quezon.

Tiniyak naman ni Julie na naipadala na ang mga depektibong SD cards sa regional technical hub sa Santa Rosa City sa Laguna upang matugunan kaagad ang isyu.

Dagdag ng Comelec official, ang election returns mula sa mga bayan ng Calauag at Tagkawayan na lamang ang kanilang hinihintay upang maiproklama na ang reelectionist na si Rep. Helen Tan bilang nanalo sa ikaapat na distrito ng probinsya.

Mababatid na walang kalaban si Tan sa tinakbuhan nitong pusisyon, ngunit sa ilalim ng Comelec rule, ay hindi siya pwedeng iproklama bilang nanalo hangga't hindi pa nakukumpleto ang election returns mula sa kanyang distrito.