Close

Procurement scheme para sa COVID-19 vaccine, pinapanalisa na- DTI

Sponsor ads


Posible umanong isagawa sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng mga gobyerno ng mga bansang panggagalingan ng COVID-19 vaccine ang procurement ng potential na bakuna laban sa virus.

Sa isang panayam, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez ang iba't-ibang paraan kung paano makakakuha ng suplay ng bakuna ang Pilipinas at isa na nga rito ang deal sa pagitan ng mga gobyerno.

Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos magduda sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto and Senator Franklin Drilon sa kakayanan ng Philippine International Trading Corporation's (PITC), procurement arm ng DTI, na maideliver ang COVID-19 vaccines sa nakatakdang oras kung ito ang itatalagang mangangasiwa sa procurement.

Binigyang diin ni Recto ang delayed deliveries ng PITC ng mga equipment sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.

Pero, sinabi naman ni Lopez na pinapanalisa pa ang procurement scheme para sa COVID-19 vaccine at pinag-aaralan na ito ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez.

Mababatid na maliban sa PITC, pwedeng bumili ang pamahalaan ng bakuna sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management.