Close

Problema sa transportasyon, isinisisi sa nakaraang administrasyon

Sponsor ads


Ibinunton ng Palasyo ang sisi sa problema sa transportasyon sa nakaraang administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bunga ng kapabayaan ng nagdaang administrasyon ang problema ngayon sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit.

Mababatid na siyam na buwang suspendido ang full operation ng LRT-2 matapos masunog ang rectifier nito.

Sinabi rin ni Panelo na matagal nang humihingi si Pangulong Rodrigo Duterte ng emegency powers para tugunan ang problema sa matinding trapiko ngunit hindi naman ito pinagbigyan ng kongreso.

Samantala tiniyak naman ng Palasyo na may solusyon sa nararanasang problema ngayon.

Kumikilos na rin aniya ang LRT at MRT para maibsan ang nararanasang kalbaryo ng mga pasahero.

Patuloy namang pinagsisikapan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontruksyon ng MRT-7, LRT- Cavite extension, Metro Manila Subway at Philippine National Railways-Clark pati na ang rehabilitasyon sa MRT at LRT.