Close

Probiotics, wala masyadong epekto sa katawan ng tao - study

Sponsor ads


Wala umanong mayadong silbi sa katawan ng tao ang mga "good bacteria" o probiotics na nakukuha sa mga pagkain ayon sa mga isang pag-aaral.

Nagsagawa ng detalyadong pag-aaral ang isang grupo mula sa Weizmann Institute of Science sa pamamagitan ng pagpapakonsumo sa 25 volunteers ng inuming kanilang ginawa na naglalaman ng 11 good bacteria kabilang dito ang Lactobacillus at Bifidobacteria sa loob ng isang buwan.

Mababatid na itinuturing ang mga Probiotics na nakabubuti sa ating tiyan ngunit sa lumabas na resulta ay walang itong epekto sa ating katawan.

Base sa resultang inilabas ng journal Cell, kalahati sa mga kasong naitala ang nagpapakita na pumapasok lamang sa ating katawan ang good bacteria habang ang iba ay natatabunan din kalaunan ng iba pang mirkobyo.