Close

Pro-league teams, maari nang magbalik ensayo sa GCQ at MGCQ areas

Sponsor ads


Nagbigay na ang mga sports at health officials ng go signal para sa muling pagbabalik ensayo ng professional basketball at football teams.

Pinirmahan na ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games Amusements Board ang Joint Adminsitrative Order, na huling requirement para makapagsimula na ulit ang pag-eensayo at conditioning ng pro leagues.

Base sa JAO, ay hanggang 5 manlalaro lamang ang pwedeng mag-ensayo sa mga General Community Quarantine Areas habang 10 naman sa modified GCQ areas.

Ayon kay GAB chairman Abraham Mitra, inaasahan nila na makakapag-praktis ng 1-2 buwan ang mga atleta hanggang sa punto na sila ay maging "match fit".

Sa ngayon ay umaasa anya sila na bababa pa ang quarantine levels para makapagdaos muli ang mga pro leagues ng kumpetisyon.

Samantala, sa September ay inaasahan nang ibibigay ng PBA ang desisyon nito kaugnay sa magiging kapalaran ng naantala nitong Season 45.