Close

Private firms, tinutulungan ang gobyerno sa vaccine chain management

Sponsor ads


Kumpyansa si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na malalampasan ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagtutulungan ng public at private sector.

Sa ulat ni Galvez sa Pangulo ay nabanggit niya ang maraming pribadong kompanya na nagpahiram ng consultants sa gobyerno para makatulong sa pag-manage sa supply chain ng mga bakuna.

Dagdag ng kalihim, nakabili na ang service providers at pharmaceutical companies ng 15,000 dollars mobile freezer na kayang makapag-karga ng libo-libong doses ng vaccines.

Ipinunto rin ni Galvez na nangako ang tycoon na si Enrique Razon Jr., na kukuha ito ng suplay ng Moderna vaccine sa Spain gamit ang mga sarili nitong eroplano at barko.

Anya, tiniyak rin ni Razon na makikipag-ugnayan ito sa mga miyembro ng business sector para makakuha ng at least 3-5 million doses na donasyon sa gobyerno.

Plano naman ng vaccine czar na gumawa ng synchronization matrix para sa pag-dating at pag-deploy ng mga bakuna.