Close

Prince Harry at Meghan Markle, quit na sa social media - report

Sponsor ads


Nag-quit na umano ang mag-asawa na sina Prince Harry at Meghan Markle sa paggamit ng social media sites.

Base sa ulat ng UK newspaper na Sunday Times, ay nagdesisyon ang couple na huwag nang gumamit ng social media sa kanilang personal at professional capacity bilang bahagi ng kanilang bagong "progressive role" sa Estados Unidos.

Sinabi ng source na malapit sa dalawa, na wala na silang plano gumamit ng social media para sa kanilang bagong Archwell Foundation, at "very unlikely" na gagamit sila ng ibang platforms para sa personal nilang dahilan.

Kung maalala ay lumipat sa California ang Duke and Duchess of Sussex matapos nilang magbitiw mula sa kanilang British royal duties.

Naging prominente rin noon ang online presence ng dalawa nang makalikom sila ng mahigit 10-million Instagram followers sa kanilang Sussex Royal account.

Matatandaan na inireklamo ng couple ang treatment sa kanila sa social media, at maging ng British press.

Tinukoy ni Meghan ang pangto-troll sa kanya bilang "almost unsurvivable" habang naglabas naman si Prince Harry ng pahayag noong 2016 na kumokondena sa racial undertones sa mga comment pieces at sa sexism at racism ng social media trolls.